Bugtong Bugtong

Bugtong: Yumuko man ang reyna, di malaglag ang korona
Sagot: Bayabas / Guava


Heto na si kuya, may sunong nang baga.
sagot: Alitaptap / Firefly


Bugtong: Isang biyas ng kawayan, maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansya / Coin bank


Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya


Bugtong: Pagkatapos na ang reyna’y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso
Sagot: Anay / Termite


Ako’y may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino / Shadow


Bugtong: Hindi hayop, hindi tao, nagsusuot ng plantsado.
Sagot: Aparador / Closet


Bugtong: Walang itak, walang kampit, gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: Gagamba


Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos / Spoon & Fork


Bugtong: Magkakabit na kutsilyo, gamit ng barbero
Sagot:: Gunting


Bugtong: Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
Sagot: Kandila / Candle


Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya
Sagot: Bangka / Boat


Bugtong: Nung bata ay may buntot, noong lumaki ay nagkaluhod.
Sagot: Palaka / Frog


Bugtong: Hindi akin, hindi iyo, ari ng lahat ng tao.
Sagot: Mundo / Earth


Bugtong: kung nakatayo ay nakahiga, kung nakadapa ay nakatayo
Sagot: Talampakan / Foot


Bugtong: kung nakatayo ay nakahiga, kung nakadapa ay nakatayo
Sagot: Talampakan / Foot


Pritong saging sa kalan, lumutong pagkat dinamitan.
Sagot: Turon / Fried Wrap Banana


Pritong saging sa kalan, lumutong pagkat dinamitan.
Sagot: Turon / Fried Wrap Banana
Search lang sa taas kung ano ang hanap example : radio tapos enter tnx


president 2010?